Episode 4

May pinuntahan si Elias, kinausap, at may pinangako. Madalas ang mga taong magsugal sa pamamagitan ng sabong. Si Kapitan Tiago ay may laban ngayon, isang Linggo. May dalawang kapatid na sumunod sa salita ng isa. Ano kaya ang pinaplano nito? Samantala, may dalawang Dona na nag-away at walang nagawa ang asawa! Bumisita si Ibarra sa bahay ni Maria Clara at may isang sorpresang tauhan! Pumunta si Ibarra sa kanyang paaralan. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Ano kaya ang sinabi nito sa kanya! May balak ba ito?


Petsa ng paglabas: Enero 2012



Synopsis: Kabanata 46

Ang Mga Pinag-uusig


Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nang makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Noon, ayon kay matandang Pablo siya ang naaawa kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay. Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang pagpupuyos.
Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar, pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.
Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan at sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob.
Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni Kapitan Pablo, siya man daw ay katulad nito na sa pangambang sugatan nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin.
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap ukol kay Ibarra sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.



Synopsis: Kabanata 47

Sabungan


May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit. Malapit ito ng isang may kalakihan  Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa lugar na ito ang mga taong may matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at sentensyador.
Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang manok at isang malaking putting tali. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti.
Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito.
Tinanong ni Lucas ang magkapitd kung payag na sila sa kondisyong kanyang ibinigay. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-aari. Ang Pera, anya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok.
Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod.
Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta , sana’y nanalo ng pera bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang pumusta sa sususnod na laban.
Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.
Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan salapi sa kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, bibigyan uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may pera uli at ang mga kasama nila at sila naman ay hati-hati ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila.Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at naghiwalay na silang tatlo. 


Synopsis: Kabanata 48

Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang sirain ang bahay ng mga Indio. Ayon kay Donya, pangit ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya si Don na pumalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang kapansanan.
Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puno sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ng alperes kasabay sa tawag na ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay Tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa pamamagitan ns sabelo o rebolber. Tumanggi ang Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kanyang pustiso ng nagtatalak na asawa.
Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa pamamagitan ng baril at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya.
Siya namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak. Hindi pa nakapagpapahinga si Tiyago, Tinaltalan kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kanyang silid.
Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa paggagamot kay Maria at ito’y umaabot sa malaking halaga. 


Synopsis: Kabanata 49

Hiwaga

Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi na excomunicado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. 
Ngunit biglang nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas na lamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay bigat ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, nagstan-by siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na excomunicado. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomunicado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa.  Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na.