Sunday, November 7, 2010

Epilogo


Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay.
Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.
At dito nagtapos ang aklat ni Jose Rizal, Noli Me Tangere.

Thursday, October 7, 2010

Write- Up

Ngayon lang ako nainspirang gumawa ng isang TV Series tungkol sa Noli Me Tangere. Sana'y panoorin nga mga tao. Ang inaasahang badyet namin ay walong (8) milyong piso simula sa pagtatawag ng mga aktor, minsan ay tatawag kami ng mga "guest" stars. Mas mura ang mga "guest" stars. Inaasahan naming mga 100,000 piso lamang sila. Kasama ang transportasyon, tirahan ng mga aktor, pag-eedit ng pelikula pati na rin ang pagbabala (advertise) sa mga masa. Plano naming magshoot ng pelikula sa lugar na Ilocos Norte dahil sa natural na heograpikal at pisikal na anyo ay para sa amin ay tamang-tama. Mapili rin kami sa mga aktor na tatawagan namin. Ang mga iba ay may halo silang dugong Kastila. Habang wala pa kaming pinili bilang Crisosomo Ibarra at Maria Clara, kayo ang pipili! May boto riyan sa baba! Pili lang kayo ng gusto ninyo na maging Ibarra at Maria Clara, ang bida sa aming bagong teleserye, Noli Me Tangere the Series!






Wednesday, October 6, 2010

Teaser

Una sa lahat, tingnan muna ang maikling preview ng Noli me Tangere para makuha ang atensyon.
Kung noon ay muntik nang namatay si Ibarra, paano na siya ngayon? Ano na ang nangyayari kay Maria Clara?