Petsa ng Paglabas: Abril 2012
Synopsis: Kabanata 53
Baraha ng mga Patay at ang mga Anino
May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay maging 20 na katao na.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng libingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo.
Nang gabing iyon dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa.
Synopsis: Kabanata 54
Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw
Kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si Pilosopong Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Pilosopong Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na siya. Pero tinugon siya ni Pilosopong Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya si Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang patay. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak pa rin sa karimlan.
Synopsis: Kabanata 55
Pagbubunyag
Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapagsalita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ikawalo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay.