Petsa ng Paglabas: Agosto 2012
Synopsis: Kabanata 62
Pagtakas Hanggang Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.
Synopsis: Kabanata 63
Nagpaliwanag si Padre Damaso
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.
Synopsis: Kabanata 64
Nochebuena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.