Episode 2

Nagkaroon ng isang prusisyon nang nakita ni Donya Consolacion si Sisa. Ginulo niya si Sisa kahit na baliw na ito. Nakita sila ng isang alferez at sinabi sa Donya na tigilan na. Nagkasakit si Maria Clara. Dinala siya ni Ibarra papunta sa ospital. Ang nakakataka ay bakit pa sumama si Padre Salvi. Sabi raw niya na nag-aalala daw siya...


Petsa ng paglabas: Oktubre 2011


Synopsis: Kabanata 39
Ang Prusisyon


Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inumpisa na ang prusisyon. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.





Synopsis: Kabanata 40





Si Donya Consolacion

Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at ang mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba dahil hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.

Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapagganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ngitngit.

Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw.

Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakapagsalita ng Tagalog. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. 

Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.

Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin.


Synopsis: Kabanata 41

Karapatan at Kapangyarihan

Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan.

Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra kaya wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura. 

Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng. Mabilis na pumunta siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. 

No comments:

Post a Comment